Tuesday, September 10, 2019


KALIKASAN
Ni;Jona De Juan

Ang kalikasan ay dapat nating alagaan,
Upang hindi masira at masayangan
Kalikasan ang tunay na kapangyarihan
Dapat wag nating sayangin ang pinaghirapan.

Dahil ikaw ang tunay na may – aring tahanan
Dahil makikita ang tunay na katotohanan
Sa paligid ay hindi makukupas ang pinagsikapan
Sa hirap ng ginhawa ay hindi mawawalan.

Ang hangin at puno ay malalasap titigan
Dahil siya ang nagbibigay kabuhayan
At makikita mo ang ganda ng tubigan
At iwasan natin magtapon ng basura kung saan.

Para ang kalusugan ay hindi maapektuhan
Sakit ay dapat nating iwasan man
Sa halip ay dapat nating iwasan man
Paligid ay dapat nating ingatan at alagaan;

Para maging maganda ang pupuntahan
At hindi masira ang pinaghihirapan
Para Makita ang tunay na kagandahan
At laging maging maganda kahit saan.


BASURA
Ni: Maribel Ramos

Ang problemang hindi mawakas- wakasan,
Tapon dito, Doon at kung saan- saan,
Apektado ang hayop sa kalikasan,
Pati mga tao’t buong sambayanan.

Maging ating bansa ay di makaaksyon
Sa problemang wala ni isang solusyon,
Mga taong may mataas na posisyon,
Walang maisip na agarang solusyon.

Dala nitong sakit na kakapit sa atin,
Unti – unting manghihina’t lulunurin,
Dala’y nakakasukang amo’y ng hangin,
May binabadya tiyak di nanaisin.

Inga’y parang lata ng mga Pilipino,
                                               Sa tambak-tambak na nasa bansa,                                   Basurang ito sana’y mawakasan na,
                                       Kawawang mga pinoy na apektado ito.

Pangulo ng bansa tila ay bosena,
Malatigre nitong panukala,
MAaging ibang bansa ay di makakasa,
Sa tindig palang tiyak magugulat ka.



SINUNGALING NA POLITIKO


SINUNGALING NA POLITOKO
ni: Marie Antonitte Macalipay

Bumaon at tumatak sa mga tao
Ang mga kuko ng salitang pangako
Ngiti at bait ng isang politico
Na plansado pati kaniyang kwelyo

Tahimik sa mga nakalipas na taon
Maingay sa paparating na eleksyon
Parang isang sundalong naghahamon
Wala na kasing laman kaniyang garapon

Bulsa at karapatan ng pagkatao
Gahaman at sinungaling sa kongreso
Pera ng bayan ay naka deposito
Nakalagay sa bituka ng bangko

Tusong kawatan ga politikong iyon
Planado ang lahat mahirap bumangon
Walang makikita pekas ng kahapon
Kahit isang bakas bahid ng kuropsiyon

Ang humatol ay bulag binging tao
Kaya nakaligtas mali na politico
Gumising ka juan sa pangyayareng ito
                                           Ipaglaban ang mga karapatan mo.


DROGA
ni: KC Rosas

Unti-unti ng bumabagsak
Bansa’y bigla nalang lumagapak
Salot na tila’y isang pakpak
Ngayon ay nagiging talamak

Pinuno na dapat pumuksa
Para bang mga aso’t pusa
Droga ay hindi na mawawala
Pinuno’y nakikinabang pa

Ang krimen ay lumalaganap
Sulosyon ay dapat mahanap
Upang bansa’y maayos
Pagpuksa dapat ay isaayos

Lipunan ay pangalagaan
Droga sa bansa ay iwasan
Pangalagaan ang katawan
Iwasan ang dapat iwasan

Tila ang bansa ay parang hangin
Kahit ating nararamdaman
Lumipas man mga panahon
Lalong nagiging mapanghamon.


Sunday, September 8, 2019



AMAZONIA
ni: Haia Kate Rocha

Mga tao ay subrang alala sa nangyayari sa Amazon
Ang mga hayop ay naubos ang populasyon
Mga hayop ay namatay ng walang kalaban-laban
Marami ang hayop na namatay doon sa Amazon

Ang mga hayop ay napuno ng diskriminasyon
Mga tao dahil dito'y nagdidiskusyon
Ito ngayon ang nangyari sa ating henerasyon
Ano nga ba ang magiging timplada ng Amazon?

May napakaraming puno't halaman ang nasunog
Walang kusang loob ang pumunta sa ilog
Hayop na nauuhaw kailangan nito'y tubig
Gobyerno'y dapat dilat at huwag patulog-tulog

Gagawa ng galaw kung huli na ang lahat
Kung kilan na ang oras natin ay hindi na sapat
Ang ahensya ng gobyerno naglingkod ng di tapat
Kinulang sa aksyon na di rin kasapat-sapat

Paano ito uunlad ang bansang Pilpinas?
Kung ang mga tao' di masunod itong batas
Ano na lamang ang mangyayari dito sa Pilipinas?
Sa mga suliraning wala ni isang lunas.