Tuesday, September 10, 2019

SINUNGALING NA POLITIKO


SINUNGALING NA POLITOKO
ni: Marie Antonitte Macalipay

Bumaon at tumatak sa mga tao
Ang mga kuko ng salitang pangako
Ngiti at bait ng isang politico
Na plansado pati kaniyang kwelyo

Tahimik sa mga nakalipas na taon
Maingay sa paparating na eleksyon
Parang isang sundalong naghahamon
Wala na kasing laman kaniyang garapon

Bulsa at karapatan ng pagkatao
Gahaman at sinungaling sa kongreso
Pera ng bayan ay naka deposito
Nakalagay sa bituka ng bangko

Tusong kawatan ga politikong iyon
Planado ang lahat mahirap bumangon
Walang makikita pekas ng kahapon
Kahit isang bakas bahid ng kuropsiyon

Ang humatol ay bulag binging tao
Kaya nakaligtas mali na politico
Gumising ka juan sa pangyayareng ito
                                           Ipaglaban ang mga karapatan mo.

No comments:

Post a Comment