Tuesday, September 10, 2019


BASURA
Ni: Maribel Ramos

Ang problemang hindi mawakas- wakasan,
Tapon dito, Doon at kung saan- saan,
Apektado ang hayop sa kalikasan,
Pati mga tao’t buong sambayanan.

Maging ating bansa ay di makaaksyon
Sa problemang wala ni isang solusyon,
Mga taong may mataas na posisyon,
Walang maisip na agarang solusyon.

Dala nitong sakit na kakapit sa atin,
Unti – unting manghihina’t lulunurin,
Dala’y nakakasukang amo’y ng hangin,
May binabadya tiyak di nanaisin.

Inga’y parang lata ng mga Pilipino,
                                               Sa tambak-tambak na nasa bansa,                                   Basurang ito sana’y mawakasan na,
                                       Kawawang mga pinoy na apektado ito.

Pangulo ng bansa tila ay bosena,
Malatigre nitong panukala,
MAaging ibang bansa ay di makakasa,
Sa tindig palang tiyak magugulat ka.



No comments:

Post a Comment