Tuesday, September 10, 2019



DROGA
ni: KC Rosas

Unti-unti ng bumabagsak
Bansa’y bigla nalang lumagapak
Salot na tila’y isang pakpak
Ngayon ay nagiging talamak

Pinuno na dapat pumuksa
Para bang mga aso’t pusa
Droga ay hindi na mawawala
Pinuno’y nakikinabang pa

Ang krimen ay lumalaganap
Sulosyon ay dapat mahanap
Upang bansa’y maayos
Pagpuksa dapat ay isaayos

Lipunan ay pangalagaan
Droga sa bansa ay iwasan
Pangalagaan ang katawan
Iwasan ang dapat iwasan

Tila ang bansa ay parang hangin
Kahit ating nararamdaman
Lumipas man mga panahon
Lalong nagiging mapanghamon.


No comments:

Post a Comment